Una sa Balita

1 patay sa engkwentro ng NPA, PNP

0 365

Patay ang isang pulis habang dalawa pa ang ­sugatan matapos makasagupa ng 205th ­Manuever Company ng Regional Mobile Force ­Battalion (RMFB) ang mga hindi pa matukoy na bilang ng New People’s Army (NPA) noong Martes ng ­madaling-araw sa Barangay Burgos, San ­Guillermo, Isabela.

Ayon kay San Guillermo Police Station (SGPS) deputy chief-of-police P/Lt. Edmund Calagui ­hindi pinangalanan ang patay na pulis at dalawa ­nitong kasamahan dahil kailangan pang ipabatid sa ­kanilang pamilya ang nangyari sa kanila.

Sa initial na imbestigasyon, sinabi ni Calagui na isang platoon ng 205th Manuever Company RMFB NG San Agustin, Isabela sa pangunguna ni PLt ­Edmund Calagui ay papunta sa Burgos, San Guillermo, Isabela nang makasagupa nila ang mga hindi pa batid na bilang ng mga NPA.

Magsasagawa sana ang nasabing tropa ng ­gobyerno ng bila ay paulanan ng bala na ­ikinasawi ng isa sa kanila at ikinasugat ng dalawa.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga ­kasapi ng rebeldeng grupo na kabilang sa engkwentro. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy