Una sa Balita

1 patay sa China coronavirus sa Japan

0 259

KINUMPIRMA ng Japan Health Ministry ang u­nang kaso ng infection mula sa China coronavirus na naging dahilan para magpalabas ng travel alert ang US State Department.

Nabatid na isang lalaki nasa edad 30 mula sa Kanagawa, Tokyo ang nagpositibo sa China coronavirus.

Nalaman na ang lalaki ay nagpunta sa Wuhan China kung saan meron outbreak ng pneumonia na pinaniniwalaang sanhi ng bagong coronavirus strain. Nabatid na sinabi ng World Health Organization (WHO) na may panibagong virus na kumakalat at binigyan ng babala ang lahat ng hospital worldwide. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More