Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1 patay, 31K pamilya hinagupit ni `Auring’

0 69

ISA ang patay habang dalawa ang patuloy na pinaghahanap sa Caraga Region dahil na rin sa naging hagupit ng Bagyong Auring, ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na 31,884 na pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao at Bicol Region ang apektado ng bagyo.

Nasa 18,996 na pamilya naman mula sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, at Western Visayas ang na-evacuate.

Sa Caraga at Davao Regions, nasa 60 bahay ang totally damaged habang 180 ang partially damaged.

May 11 kalsada at dalawang tulay ang apektado ng bagyo sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Davao Regions, ayon sa NDRRMC. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.