Una sa Balita

1 patay, 1 missing kay ‘Butchoy’

By
0 3

Isa ang patay habang isa pa ang inulat na nawawala sa pananalasa ng habagat na dulot ng Bagyong But­choy na tumagal ng tatlong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isang 14-anyos na lalaki ang nalunod habang naliligo sa isang creek sa Cainta, Rizal habang isa namang 15-anyos na lalaki ang iniulat na nawawala sa Valenzuela City habang nangangalakal sa Tullahan Bridge.

Apektado naman ang 714 pamilya o 2,343 katao sa pagtaas ng tubig-baha sa Zambales, Bataan, Rizal at Batangas. Bukod sa pagbaha, nagkaroon din ng rockslide sa Pasig City, tatlong landslides sa Zambales, Palawan at Rizal.

Napag-alaman na pumasok sa PAR ang Bagyong Butchoy noong Martes at nagtagal ito ng tatlong araw.