Una sa Balita

1 pang oarfish lumutang

By
0 3

Isa na namang oarfish na pinaniniwalaang senyales ng paparating na lindol ang natagpuan sa pampang ng dagat sa Cabadbaran, Agusan del Norte, kahapon ng madaling-araw.

Napag-alaman sa ulat, ang nasabing oarfish ay napagkamalan pa ng mga mangingisda na isang sako na inanod sa pampang ng barangay Tolos sa bayan ng Cabadbaran.

Sinukat ng mga nakatagpong mangingisda ang nasabing oarfish na halos 14-talampakan.

Malaki ang teorya ng mga manigngisda sa lugar na may apat o limang araw nang patay ang oarfish dahil nangangamoy na ito at nagsimula nang maagnas kaya agad na lamang inilibing ang isda.