1 pang LPA naispatan

Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang malawak na bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) na nasa loob ng bansa at isa pang sama ng panahon na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay weather specialist Grace Castañeda, huling namataan ang LPA na nagdadala ng pag-ulan sa Laak, Davao de Oro.
Sa ngayon ay maliit pa rin naman aniya ang tsansa na maging ganap itong bagyo sa loob ng susunod na 24 oras pero posible itong mangyari kapag nagtagal sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang pagkilos at pamumuo nito.
Samantala, naispatan naman sa labas ng bansa malapit sa bahagi ng Mindanao ang isa pang LPA na mino-monitor ng Pagasa. Sa ngayon ay wala umano itong direktang epekto sa bansa. (Tina Mendoza)