Una sa Balita

1 pang Georgia inaakit si Kai

0 436

ISANG paaralan na naman ang nanliligaw kay Kai Zachary Sotto matapos maispatang binibigyan ng offer ng University of Georgia Bulldogs na kabilang sa United States National Collegiate Athletic Association Division 1.

Makikita sa Instagram story ni Sotto na may panibagong alok ang isang pamantasan sa kanya, ayon sa ‘Verbal Commits’.

Kasalukuyang naglalaro si Kai sa The Skill Factory na nakabase sa Atlanta. Kakatanggap lang niya ng MVP Award matapos pangunahan ang koponan sa titulo ng isang mini-tournament. Ito ang nagpaangat sa kanya sa number 68 ng ESPN rankings sa high school players sa pangkalahatan, at ika-11 sa big men.

Kung matuloy ang paglipat sa UG, hindi naman siya mahihirapan dahil nakabase siya sa Athens kung saan kalahating oras lang ang biyahe mula sa Atlanta, Georgia.

Ilan sa sikat na naprodyus ng Bulldogs na National Basketball Association players ay sina Dominique Wilkins (1982-1999) at active player pa ngayon ng LA Lakers na si Kentavious Caldwell-Pope.

Ang unang dalawang kolehiyong kabilang din sa US NCAA Division 1 na nililigawan si Sotto ay ang Kentucky University at Georgia Institute of Technology, na kilala ring Georgia Tech. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More