Una sa Balita

1 pang bangkay isinilid sa drum

By
0 38

Isa na namang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang wala nang buhay at nakasilid sa isang plastic na drum na basta na lamang itinapon sa isang bakanteng lote sa Lungsod ng Malabon kahapon umaga.

Sa ulat ng Malabon City Police partikular na ni PSSupt. John Chua, ganap umanong alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ng mangangalakal ng basura na si Melvin Orolfo ang mga labi ng biktimang inilarawan lamang na nasa 35-40-anyos, may taas 5’6 at nakasuot ng lilak na T-Shirt at maong na short.

Nakasilid sa loob ng drum ang biktima na ayon sa mga awtoridad ay wala pa umanong isang araw na patay dahil sa sariwa pa ang bangkay nito.

Nakitaan din ng malala­king sugat sa kanyang ulo at mga bakas sa kanyang leeg na binigti ito at pinahirapan ng husto bago tuluyang pinatay.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ay isang papel na nakasabit sa beywang ng biktima ang kanilang nakita na nakasulat ang mga katagang ‘Magnanakaw! Huwag tutularan.’

Lumalabas din sa pagsisiyasat na maaaring sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa lugar dahil wala man lang kahit anong bakas ng dugo sa loob at maging sa labas ng kanyang kinalalagyang drum.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy