Una sa Balita

1 o 2 taon, kaya ko pa! – Chris Tiu

By
0 535

DAHIL sa pagnanais ng mas mahabang oras para sa kanyang pamilya at para matutukan ang kanilang family business ang nagtulak kay Rain or Shine guard Chris Tiu para maagang magretiro sa PBA.

Pero sa kanyang blog na inilabas kahapon na may titulong ‘One Last Ride’, sinabi ni Tiu kaya pa niyang maglaro ng hanggang dalawang season.

“To be honest, I think I have at least one or two more productive PBA seasons left in me. But at the same time, I want to channel my current energy and enthusiasm into other projects that are sustainable and have positive impact to the community, some new and some which we have started years ago,” wika ni Tiu sa aritkulong unang lumabas sa Spin.ph.

“I believe it’s about time I start a career as a full-fledged businessman and live up to my commitment to the family. At the same time, we have an infant and a toddler who are growing incredibly fast. I want to cherish every moment with them and give them my full attention while I can, which is very challenging to do with basketball where I am overly particular with my training and resting routine.”

Pormal na inihayag ng 33-anyos na si Tiu ang kanyang pagreretiro sa paglalaro sa propesyonal na liga Martes ng gabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy