Una sa Balita

1 nasawi, 8 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

0 253

NASAWI ang 55-anyos na Elf truck driver habang walo ang su­gatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Lucena City diversion road, Barangay Ibabang Dupay, Biyernes nang umaga.

Ayon sa Lucena Police, sangkot sa aksidente ang isang Jac liner bus, isang Elf truck, isang Toyota Hi Lux pick-up at isang Hi Ace van dakong alas-otso nang umaga.

Una umanong nasalpok ng bus ang kasalubong na truck matapos na mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Sumalpok naman ang pick-up at ang van sa hulihang bahagi ng truck.
Dead on-the-spot si Pacifico Cadag Espadilla, na nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan naman at ginagamot sa Quezon Medical Center, Lucena City ang pahinante nito na si Danilo Espadilla at ang pito pang sakay ng van na magkakapamilya galing sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Naaresto na ang driver ng bus na si Michael Salazar Verana.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagkalituhan umano ang magkasalubong na driver dahil sa kalagayan ng naturang 5-lane highway na bagama’t may apat na puting broken line ay wala umanong center line marking na nagdedetermina ng southbound at northbound. (Ronilo ­Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy