Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1 meter pinako sa public transport! Duterte binasura bawas distancing

0 124

Mananatili sa isang metro ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Ito’y matapos ilahad ni presidential spokesperson Harry Roque ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag baguhin ang agwat sa pagitan ng mga tao sa public transportasyon.

“Mananatili po ang one-meter distancing sa pampublikong transportasyon,” ayon kay Roque. “Sasamahan din ng pagsuot ng face mask at face shield.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaan na noong nagdaang linggo ay naglabas ng protocol ang Department of Transportation (DOTr) kung saan babawasan ang distansya ng mga tao sa mga tren, jeep at iba pang PUV.

Layon ng ahensya na matugunan ang kakulangan ng public transportation sa bilang ng mga commuter dahil ilang ruta pa rin ang hindi pinapayagang magbalik-biyahe sa loob ng anim na buwang community quarantine.

Sa naturang protocol ng DOTr, gagawing 0.75 metro na lang ang physical distancing sa mga PUV, bababa pa ito sa 0.5 at 0.3 meter sa mga darating na linggo. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.