Una sa Balita

1 kilo ng cocaine nabingwit sa Batanes

0 221

TINATAYANG aabot sa isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.7 milyon­ ang nakuha ng isang mangi­ngisda habang palutang-lutang ito sa karagatan sakop ng Basco, Batanes kamakalawa nang hapon.

Ayon kay Police Brig. General Jose Mario Espino, Director ng Police Regional Office (PRO) 2, dakong alas-3:20 nang hapon ng matagpuan ng isang mangingisdang nakilalang si Roger Gallo, residente ng Brgy. Kayhuvukan, Basco, Batanes ang tatlong pakete na palutang-lutang sa karagatan.

Nang kanya itong kunin ay nakita nito ang isang malaking plastic na katulad ng pakete ng tsaa na may tatak chinese na mga letra.

Binuksan nito ang pakete at nakita niya sa loob ang tatlong mga pakete na nakaselyo at naglalaman ng puting pulbos.

Naghinala na umano ang mangingisda na iligal na droga ang laman ng nasabing pakete kaya agad itong isinuko ni Gallo sa pulisya kung saan nagpositibo na cocaine ang laman nito.

Dahil sa pangyayari ay agad na ini­utos ni Espino sa kapulisan na galugarin ang mga kalapit dagat kung saan nakita ang pakete ng iligal na droga sa posibilidad na mayroon pang kasama ito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy