Una sa Balita

1 dedo sa lindol sa China

By
0 1

Nasawi ang isang katao matapos na mag ‘collapse’ ang kanyang bahay nang iduyan ng 6.5 magnitude lindol ang bulubunduking lugar ng Kanlugarng China, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa US Geological Survey nakita ang sentro ng lindol sa Timog Xinjiang, na may lalim na 12 kilometro.

Nakaramdam ng pag­yanig ang Tajik border at ang 170 kilometro ng Kanluran ng Kashgar.

Sinasabing nasawi ang isang residente matapos na mabagsakan ng gumuhong debris ng kanyang bahay habang 6 na gusali rin ang iniulat na napinsala.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Pakistani authorities, naramdaman din ang lindol sa Hilagang Kanluran ng probinsiya ng Khyber Pakhtunkhwa.

Ayon sa National Disaster Management Authority wala naman na iniulat na napinsala sa pagyanig sa lugar.