Una sa Balita

1 buwan libreng sakay sa ‘water jeepney’

0 409

Magpapatupad ng libreng sakay mula ngayon araw hanggang sa Enero 31, ang inilunsad na ‘water jeepney’ ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Maritime Industry Authority (Marina).

Ito umano ang pamaskong handog ng DOTr, MARINA, Philippine Coast Guard (PCG), Phili­ppine Port Authority­ (PPA) at lokal na pamahalaan ng Cavite.
Sa pamamagitan ng ‘water jeepney’ ang dating tatlo hanggang apat na oras na biyahe mula Cavite patungong Maynila at pabalik ay magiging 15-20 minuto na lamang.

Simula ngayon ay babaybayin na ng sasakyang pandagat ang rutang Cavite City Port Terminal – Cavite City Hall patungong CCP Port gayundin sa Liwasang Bonifacio at pabalik at patatakbuhin ng mga shipping company na Seaborne Shipping Company Inc. at Shogun Ships Co. Inc.

Nalaman sa DOTr at Marina na ang pamasahe mula CCP hanggang Cavite at pabalik ay nasa P200, pero kung estudyante ay P160 na lamang, P143 sa senior citizen at P125 kapag bata na nasa edad apat hanggang 11-taong gulang.

Samantala, ang ruta naman na Cavite to Lawton at pabalik ay P160 ang pamasahe, P128 kapag estud­yante, P114 kapag senior citizen at P80 kapag bata na edad 4 hanggang 11. (Juliet de Loza-
Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More