Una sa Balita

1 bulagta sa salpukan ng kotse at truck sa Bataan

By
0 2,638

PATAY ang isang lala­king driver ng Toyota Wigo nang bumangga sa kasalubong na trailer truck sa Roman Highway, Orion, Bataan.

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni Police Chief Inspector Dennis Orbista, hepe ng Orion-MPS, nakilala ang biktimang si Ma­nuel Alarcon, 52-anyos na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng trailer truck (TUE 833) na si Sonny Cruz na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng mga awtoridad na ­patu­ngong northbound ang naturang trailer truck kamakalawa ng madaling-araw ­habang binabagtas naman ng pulang Toyota Wigo (VO 0229) ang pa-southbound na mabilis umano ang pagpapatakbo hanggang sa nawalan ng kontrol at tuluyang sumalpok sa kasalubong na trak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy