Una sa Balita

1 bala kay kapitana

By
0 2

Tiniyak na wala nang buhay si Barangay Chairwoman Flordeliza Lara bago iniwang nakabulagta at duguan ng mga suspek sa loob mismo ng bahay nito sa F. Dela Cruz St., Brgy. 37-A, Caridad, Cavite City, kamakalawa ng umga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cavite City Component Police Station, sakay ng single MC ang dalawang suspek na tumigil sa bakery ng biktima. Bumaba umano ang isang suspek at bumili pa ng softdrinks sa tindera ng bakery. Lingid sa kaala­man nila, tiniyak lang ng gunman na nasa loob ang target bago pinagbabaril ng ilang ulit si kapitana.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, na sentro ngayon ng manhunt operation ng pulisya. Malas namang sira ang dalawang closed circuit television (CCTV) sa lugar na posible sanang magamit sa paunang imbestigasyon. Ilang basyo ng cal. .45 ang narekober sa crime scene.