Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1 araw proseso sa postal ID – PHLPost

0 212

May alok na isang araw na rush application para sa postal identification (ID) card ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

SM food to go Banner Ad

Magbebenepisyo umano rito ang mga residente na malapit sa piling Metro Manila Post Office, ayon kay Assistant Post Master General at and PHLPost officer-in-charge for Marketing and Management Support Services Maximo Sta. Maria III.

Paliwanag pa ng opisyal, tuloy pa rin umano ang regular na application process sa buong bansa. Aniya, posible umanong matanggap ang ID sa loob ng 10 hanggang 15 araw sa ganitong proseso depende sa mga protocol na pinatutupad ng lokal na pamahalaan. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.