Una sa Balita

1 araw lang sa permit: Manila BOSS binuksan ni Isko

0 457

PORMAL nang binuksan ang Manila Business One Stop Shop (BOSS) sa Manila City Hall na magsisilbing “express lane” sa mga kumukuha ng business permit sa Lokal na Pamahalaan ng Maynila.

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, DTI Secretary Secretary Ramon Lopez at Anti Red Tape Authority (RTA) Director Atty. Jeremiah Belgica,ang paglulunsad sa Manila Boss.

Ayon kay Moreno ang Manila BOSS ay regalo niya sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, alinsunod sa nilagdaan niyang Republic Act 11032 kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Sinabi ni Moreno, bilang tugon sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na huwag nang pahirapan pa ang mga tax payer na nagbabayad ng kanilang buwis kaya binuo niya ang Manila BOSS sa pamamagitan ng nilagdaan niyang Executive Order No. 8.

“Dati-rati, tumatagal ng walong araw hanggang isang buwan bago maisaayos ang business permit, ngayon ay isang araw na lamang ang lahat ng papel ng mga tax payer ay dito lang sa loob gagalaw,” ayon kay Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy