Una sa Balita

1 araw kita ng movie ni Coleen idu-donate sa Taal

0 304

Ang ganda naman sana ng intensiyon ng prodyuser ng pelikulang “Mia” na bida sina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman, pero parang hindi naintindihan, hindi nagustuhan ng iba, ang hangarin niyang ‘yon.

Ang gusto sana ng kampo ni Coleen, ang lahat ng kikitain kahapon ng pelikulang “Mia” ay idu-donate sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

“The producers of the film ‘Mia’ have decided to donate all the net proceeds to today’s screening (Friday) to the victims of the Taal volcano eruption.

“We urge you to support the campaign by watching the film today with your family and friends. #MiaParaSaTaal #MiaTheMovie #NowShowing,” sabi ni Chris Cahilig, ang prodyuser ng “Mia”.

Pero, may mga nega nga ang reaksiyon, na ang sabi, bakit daw kailangang panoorin pa ang “Mia” bago sila mag-donate? Kung gusto raw mag-donate, mag-donate na lang at wala nang kung ano-ano pang kundisyon.

“Alam mo ba kung gaano kabigat na zero ang kikitain today para i-donate?

“Net proceeds kasi may taxes and cinema commissions na di ko controlled. But all income will be donated,” ang sagot ng prodyuser sa mga sumita sa kanya.

Anyway, nagpasalamat din si Chris sa mga nagpa-block screening dahil sigurado na nga na may maidu-donate sila sa mga nasalanta.

“May dalawang block screenings ang ‘Mia’ today in Market! Market! and SM Puerto Princesa. All proceeds will be donated to the victims of the Taal volcano eruption,” chika ni Chris.

Oh, siya, sana nga ay mas marami pang nilalang ang makaisip ng paraan para makatulong. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More