Una sa Balita

1 ang mabubuhay, 1 matitigok

By
0 4,045

TEAMS W L
San Miguel 8 – 3
Magnolia 8 – 3
Alaska 7 – 4
Rain or Shine 6 – 5
Ginebra 6 – 5
NLEX 6 – 5
GlobalPort 5 – 6
Phoenix 5 – 6
TNT KATropa 5 – 6
Blackwater * 5 – 6
Meralco* 4 – 7
Kia* 1 – 8

* — Eliminated

Laro ngayon: (Smart Araneta Coli­seum)
6:30 pm — Phoenix vs TNT

ISA lang ang papasok, isa ang magbabakasyon na.

Pag-aagawan ng Phoenix Petroleum at TNT KaTropa ang eighth at last quarterfinals berth ng PBA Philippine Cup mamayang alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong tinapos ng Fuel Masters, Texters at Blackwater ang 11-game eliminations sa 5-6 win-loss records, pero nalaglag sa quotient ang Elite.

Naiwang magbubuno para sa huling tiket sa playoffs ang Phoenix at TNT.

Ang siste lang, pagkatapos ng one-game knockout match ay haharap sa mas mabigat na asignatura ang ­winner – may twice-to-win handicap sila kontra No. 1 San Miguel Beer sa quarters.

Mas bugbog din ang tuhod ng Fuel Masters dahil nito lang Biyernes ay nakipagpukpukan sa GlobalPort bago napreserba ang 104-100 panalo. Sa larong iyon ay lumayo ng hanggang 66-31 ang Phoenix, pero nag-rally ang Batang Pier sa fourth para pagandahin ang laro.

Miyerkoles hu­ling sumalang ang TNT nang ilampaso ang NLEX, 101-75, para paypayan ang tsansa sa playoffs.

Himutok ni coach Louie Alas ay hindi mailabas ng kanyang Fuel Masters ang finishing kick kaya kinaila­ngan pang dumaan ng knockout game.

“Good thing we have huge, huge lead,” ani Alas. “We don’t know how to finish until now. Siguro kung ‘yung tatlong two-possession game namin nu’ng previous game, marunong kaming mag-finish, si­guro hindi kami dadaan sa ganitong sitwasyon.”

Kung nanalo ang Rain or Shine sa Ginebra sa nightcap noong Biyernes ay No. 7 sana ang Phoenix at hindi na dadaan sa KO match. Pero nanaig ang Gin Kings sa 3 overtime, 100-92, kaya naikasa ang Fuel Masters-­Texters showdown. (Vladi Eduarte)