Una sa Balita

$1.9B foreign investment hinugot sa ‘Pinas

0 600

Binawi ng mga foreign investor ang US$1.9 bilyong pinuhunan nila sa stock market at money market sa Pi­lipinas noong 2019 dahil marami ang nawalan ng kumpiyansa sa kalagayan ng kanilang mga investment.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), $18.5 bilyon ang kabuuang hinugot na investments ng mga dayuhan at $16.6 bilyon naman ang kanilang pinasok sa bansa noong 2019.

Sabi ng BSP, $1.7 bilyon sa bina­wing investments ay kinuha sa stock market.

Malaki ang binulusok sa stock price ng Manila Water Company ng mga A­yala at ng Metro Pacific Investments Corp. at DMCI Holdings na pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalan ng kontrata sa Metropolitan Water and Sewe­rage System. Nagbabala ang Fitch Ra­tings na isang credit ratings agency laban dito dahil mawawalan ng ganang mag-invest ang mga tao sa bansa kung walang kasi­guruhan ang kanilang mga kontrata.

Sabi ng BSP, ang matinding pana­naw ni Pangulong Duterte sa diumano’y nakadedehadong probisyon ng kontrata ng MWSS sa Manila Water at Maynilad Water Servi­ces Inc ang isa sa mga yumanig sa fo­reign investors. Listed o nabibili ang mga shares of stock ng Manila Water, Metro Pacific at DMCI sa Philippine Stock Exchange. Ang Metro Pacific at DMCI ang mga may-ari ng Maynilad.

Nauna nang inanunsiyo ng Manila Water na binitawan ito ng Japa­nese investor nitong Mitsubishi UFJ Trust and Banking Corp. na nagsimu­lang magbenta ng shares nu’ng November 8, 2019 sa halagang P19.18 per share. Huli itong nagbenta nu’ng Decembee 17, 2019 nu’ng nasa P5.96 na lang ang halaga ng shares ng Manila Water. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More