Una sa Balita

1.8B shabu ng Golden Triangle nasabat sa MICP

0 385

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container Port (MICP) ang P1.8 bilyong halaga ng iligal na droga noong Biyernes.

Umabot sa 276 kilo ng hinihinalang shabu na binalot sa packaging ng tsaa ang nasabat ng PDEA na shipment mula sa Vietnam.

Natuklasan ang naturang iligal na shipment makaraang ipaalam ng mga awtoridad ng Vietnam sa mga opisyal ng Pilipinas ang kontrabando nang maharang ang katulad na shipment na 300 kilo ng iligal na droga sa Ho Chi Minh City.

Nakita ng BOC ang iligal na droga sa loob ng isang 40-foot container na nakadeklara bilang plastic resin at tinukoy din ang consignee nito bilang Wealth Lotus Empire Corp., na dumating­ noong Linggo sa Manila North Harbor.
Lumalabas na pawang mula sa Golden Triangle drug syndi­cate ang mga nakumpiskang iligal na droga. Batay sa PDEA, halos magkapareho ang packa­ging na ginamit dito sa unang nasabat na P1.1 bilyon iligal na droga sa Ayala Alabang, Muntinlupa City noong Martes­ at P1.9 bilyon naman mula sa operasyon sa Tanza, Cavite noong Pebrero.

Sasampahan na ng kaso ng BOC ang consignee at ang customs broker na nagproseso sa shipment. (Mina Aquino/Dolly Cabresa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy