Una sa Balita

1.8 million motorsiklo sa unang 9 Buwan ng 2019

0 182

Sa unang siyam na buwan ng 2019, nagtala ang Land Transportation Office ng 1,866,780 bagong rehistro ng motorsiklo. Katumbas eto ng 10.1% growth kumpara sa naitala sa kaparehong buwan noong 2018. Ga­ling po ‘yan sa impormas­yon mula sa Stadcom, ang official IT partner ng LTO.

Sa average na 207,420 bawat buwan, tiyak na lalampasan ang buong taon bilang na 2.2 milyon naitala noong 2018.

Ang magandang bentahan ng motorsiklo ay dala umano ng magandang takbo ng ekonomiya, lalo na ng mababang interest rates sa pautang at mataas na employment rate. Dahil sa mga eto, malakas ang purchasing power ng mga mamimili.

Ang patindi nang pa­tindi na trapik sa mga siyudad at ang ‘di maaasahang public transport system ay lalo lamang nag-uudyok sa mga commu­ter na gumamit ng motorsiklo bilang alternatibo.

Sa mga walang sapat na lakas ng loob na magmaneho ng motorsiklo, laganap naman ang motorcycle taxi o habal-habal. Nanguna na ang Angkas na ayon sa kanilang mga press release ay may 27,000 na rider. (Note: Ang Angkas ay tumatanggap lamang ng mga Japa­nese at Taiwanese motorcycles.) Meron pang mga bagong kompanya na handang sabayan ang Angkas sa motorcycle taxi business: Joyride, GoJek, Citimuber at MoveIt.

Laganap din ang ga­mit ng motorsiklo sa mga delivery service, tulad ng Lalamove at Grab Express. Dahil sa paglago ng e-commerce, o pagtitinda ng mga bagay-bagay sa internet, lumalaki rin ang bilang ng mga rider na nagdi-deli­ver. Isama na rin natin ang mga naghahatid ng pagkain para sa mga malala­king fastfood chain.

Sa parte naman ng mga distributor, halos buwan-buwan ay may bagong modelo ng motorsiklo silang inilalabas para lalong akitin ang mga mamimili.

Nangunguna ang Honda bilang pinaka-popular na motorsiklo. Umabot sa 486,482 unit ang nai-rehistro, katumbas ng 26.1% sa lahat ng registered unit. Kasunod­ ang Yamaha na may 441,330 unit, o 23.6 7% share. Mahigpit ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang brand na eto.

Isang local brand naman ang pumapangatlo. Ang Rusi ay share na 13.8% sa bilang na 258,527 unit. Sa mga biyahe natin sa Negros at Panay, napansin natin na nagkalat ang mga motorsiklo ng Rusi. Ayon sa nakausap natin na tagaroon, malapit daw ang brand ng Rusi sa kanila dahil sa slogan nito na “Sabut-sabut lang”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy