Una sa Balita

$1.6B lotto jackpot sa US, tinamaan na!

0 465

Mayroon nang tumama sa pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto, hindi lang sa Estados Unidos kundi sa buong mundo.

Sa inisyal na ulat, may isang mananaya mula sa South Carolina ang nanalo sa $1.6 bil­yong Mega Millions jackpot prize.

Ayon sa statement ng Education Lottery nitong Miyerkoles, binili ang tiket sa Palmetto State. Hinihintay pa ng mga opisyal ng lottery kung may iba pang nanalo sa ibang states ng Amerika.

Kung isa lang ang tumama sa $1.6 bilyong premyo, maaari nitong makuha ang lump-sum payment na $904 milyon.

Sa ginawang bola noong Martes nang gabi, lumabas ang winning combination na 05-28-62-65-70 at Mega Ball na 05.

Ang dating rekord sa pinakamalaking jackpot sa lotto ay $1.586 bilyon na pinaghatian ng tatlong nanalo sa bola ng Powerball noong Enero 2016.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy