Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1.5M pang Sinovac bakuna dumating na

0 67

Ibinalita ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagdating sa bansa ng 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine mula sa China nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi pa ni Roque na may parating pa ngayong Sabado ng umaga, Mayo 8, na dalawang milyon namang AstraZeneca bakuna mula sa COVAX facility.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinala ang mga bakuna ng Cebu Pacific Air flight 671 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago mag-alas-otso ng umaga.

Isinailalim muna sa disinfection ang mga kahon na kinalalagyan ng mga bakuna at isinakay sa mga refrigerated truck gamit ang mga electric forklift bago ibiniyahe patungo sa storage facikity sa Marikina City. (Aileen Taliping/Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.