Una sa Balita

1.5M Intsik target ng DOT

By
0 1,600

Matapos umabot sa halos isang milyong Chinese tourist ang dumating noong 2017, umaasa ang Department of Tourism (DOT) na mas tataas pa sa taong ito ang bilang ng nasabing mga dayuhang turista.

“This year, we are aiming higher and we are targeting 1.5 million,” pahayag ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Noong nakaraang taon, may kabuuang 968,447 Chinese nationals ang bumisita sa bansa na nau­ngusan ang mga Amerikano sa ikalawang bahagi ng top tourism source markets.

Ang mga dating halos doble na may 43.33 porsi­yentong paglago mula sa nakaraang taon na 675,663.

Sa unang buwan ng 2018, ang Chinese arri­vals ay nakapagtala ng 111,344 na nagpapakita ng 29.55 porsiyentong pagtaas mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa 2017, ang China ang naging pinakamala­king pinagmumulan ng turismo sa buong mundo na may 129 milyong palabas na bumibiyahe ayon sa Ctrip, ang pinakamalaking online travel provider ng ­China. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy