Una sa Balita

$1.5B uutangin ng gobyerno

By
0 529

MANGUNGUTANG ang administrasyong Duterte ng $1.5 bilyon na makukubra nito sa Enero 14.

Ayon sa Bureau of the Treasury, ang pa­ngungutang ay gagawin sa pamamagitan ng pag-isyu ng bonds na kaila­ngang bayaran ng bansa pagkatapos ng 10 taon.

Ang pangungutang ay isinaayos ng Bank of China, JP Morgan at Standard Chartered Bank kasama ang Credit Suisse, Goldman Sachs at UBS.

Hindi kasama ang HSBC na maraming na­ging kontrata sa Department of Finance (DOF) noong ito ay pinamumunuan ni Cesar Purisima na ang kabiyak ay nagtratrabaho sa nasabing financial institution.

Sa isinumiteng dokumento ng DOF sa Securities Exchange Commission sa Estados Unidos, sinabi nitong gagamitin nito ang pera sa pangkaraniwang gastos o gene­ral purposes.

Nagdagdag ng buwis ang administrasyong Duterte nu’ng 2018 sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion kung saan pinatawan ng excise tax ang mga produktong petrolyo na nagpalaki ng koleksyon ng Bureau of Internal Revenue suba­lit isinisi ng marami sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy