Una sa Balita

1.3M boto ni De Lima, buburahin

By
0 2

Bukod sa kinakaharap na kaso sa Senate committee on ethics, isa pang petisyon ang kinakaharap ni Sen. Leila de Lima para siya ay mapatalsik sa Senado.

Sa inihaing kaso ni da­ting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa Senate Electoral Tribunal (SET), pinabubura nito ang nakuhang 1.3 milyong boto ni De Lima sa nakaraang senatorial elections.

Si De Lima ay ika-12 nanalong senador sa nakaraang halalan sa nakuhang 14,144,070 boto. Ang ika-13 na si Tolentino ay mayroon namang nakuhang botong 12,881,098. Si Tolentino ay inendorso ni Pangulong Duterte sa nakaraang halalan.

Kung papaboran ng SET ang petisyon ni Tolentino sa pagbura ng 1.3 milyong boto, lalamang ito sa senadora ng 37,028, at maaaring iproklama bilang ika-12 nanalong senador.

Nagpulong na ang mga miyembro ng SET sa Sofitel Hotel nitong Huwebes ng hapon at nagkasundo sa timetable.

Ang mga senador na bumubuo ng SET ay sina Drilon, Sens. Grace Poe, Nancy Binay, Cynthia Villar at Antonio Trillanes IV. Ang tatlong kinatawan naman ng Supreme Court sa SET ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Arturo Brion at Teresita Leonardo-de Castro.