Una sa Balita

1.1K PWDs sa Albay tatanggap ng P1.5M education assistance

By
0 44

UMABOT sa 1,188 elementary, high school at college students na may kapansanan ang makakatanggap ng P1.5 milyong education financial assistance mula sa social welfare office ng lalawigan ng Albay.

Ayon kay acting Albay Social Welfare Officer Eva Grageda, naglaan ang provincial go­vernment ng P1.5 milyon education aid para sa persons with disabilities (PWDs) mula elementary hanggang tertiary level.

“For elementary pupils, we are giving P1,000 each, P1,500 each for high school students, and P3,000 for college students,” sabi ni Grageda.

Ang educational assistance para sa mga PWD ay bilang pagtugon sa itinatadha ng Republic Act No. 10754 o Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability.

Ang mga qualified PWD ay kailangan lang makumpleto ang mga requirement na itinakda ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education Department (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagbibigay ng scholarship at financial assistance.

Para ma-qualify sa educational aid, bawat PWD applicant ay kailangan lang magsumite ng certificate of indigence, report card, endorsement mula sa municipal welfare officer at identification card.

“For purposes of monitoring, our office is conducting regular physical inspection and list of enrollees are being submitted to the municipal social welfare office,” sabi ni Grageda.