Una sa Balita

₱95M donasyon ng Lakas sa kampanya ni Bong

0 504

TUMATAGINTING na 95 milyong piso ang isinal­yang tulong-pinansyal ng Lakas-CMD para sa kampanya ng noon ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla para sa nakaraang 2019 senatorial race.

Batay sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) ni Revilla sa Commission on Elections (Comelec), lumitaw na pinakamalaki ang ibinigay na donasyon ng Lakas-CMD mula sa kabuuang P115.6-million contribution na tinanggap nito.

Bukod sa napakala­king bulto ng donasyon ng political party ni Revilla, tumanggap din ito ng P14.2 millyon at P5.52 milyong halaga ng pera at mga bagay na kontribusyon

Nakasaad din sa SOCE ng nanalong senador na gumastos siya ng P6.37 milyon mula sa personal niyang pondo para maisulong ang kanyang kandidatura.

Sa kabuuan, gumastos ng P121.9 milyon si Revilla sa kanyang pa­ngangampanya sa buong bansa na siyang nag-akyat para mapako siya sa ika-11 puwesto mula sa nakuha niyang 14.6 milyong boto.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, i­nabswelto ng Sandiganbayan si Revilla mula sa pagkakadawit niya sa P224-milyong plunder case dahil sa umano’y mga ghost beneficiary sa pork barrel funds ng mga mambabatas

Tumakbo si Revilla sa ilalim ng administration coalition na Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa pamumuno ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy