Una sa Balita

₱87K natangay ng jeepney driver sa operator

0 267

Hindi na naituloy ng 28-anyos na jeepney dri­ver ang pamamasada nito nang ipakulong ng kanyang operator nang mabuking sa pagnanakaw ng tools na aabot sa P87,000, kamakalawa nang umaga sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si Joey Tamparong, 28-anyos, matapos kasuhan ng kanyang operator na si Norberto Gapasin, 55.

Ipinaresto ang suspek na si Tamparong alas-9:40 Miyerkoles nang gabi ng mga tauhan ng Marikina Police matapos magsumbong ang isang nanganga­lakal na si Leonardo Garcia, 32, kay Gapasin na kinuha umano ng suspek ang ilang mahahalagahang gamit sa kanyang garahe.

Hindi na nabawi pa ang apat na break drum stud na nagkakahalaga ng P30,000; apat na Isuzu Rim five stud na P17,000 at isang cylinder head Isuzu 4BE1 na nagkakahalaga ng P40,000.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina Custodial Faci­lity habang hinihintay ang pagdinig sa kanyang kaso. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy