Una sa Balita

₱73.5B pinantugon ng DA sa problema sa bigas, ASF

0 440

Umabot sa P73.5 bilyon ang naka­lap na pondo ng agri-fishery sa unang 100 araw ni Agriculture Secretary William Dar na mas mataas kumpara sa na­ging budget ng ahensya na P64.1 bil­yon para ngayong taon.

Ang nasabing pondo ay inilalaan sa mabilis na pagtugon sa dalawang pinakamalaki at umuusbong na mga isyu na kinaharap ni Dar, ang Rice Ta­riffication Law (RTL) at ang African swine fever (ASF).

Ang buong pondo ng P10 bilyon ay ginamit sa pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Prog­ram (RCEP) kung saan inilalaan bilang tulong pinansiyal upang ga­wing mas competitive ang mga magsasaka at labanan ang negatibong epek­to ng RTL.

Inilaan din ng gobyerno ang P3 bilyong para sa unconditional cash transfer program na nakikinabang sa 600,000 magsasaka ng bigas.

Halos P2.5 bilyon ang inilaan para sa Expanded Survival and Recovery Assistance Program para sa Rice Far­mers (SURE Aid Program) kung saan tinaniman ang mga lupain na isang ektarya o mas kaunti pa.

Naglaan din ng P7 bilyon sa National Food Authority (NFA) upang makakuha ng direktang bigas mula sa mga magsasaka, alinsunod sa programa ng seguridad sa pagkain ng gobyerno.

“Sa halagang P7-bilyong badyet na ito, nakakuha na ang NFA ng 71 pors­yento ng target, na katumbas ng 10.25 milyong bag ng palay mula E­nero hanggang pangalawang linggo ng Nobyembre ng taong ito,” sabi ni Dar.

Sinabi ni Dar na natulungan din ang magsasasaka na nasa itaas ang P3.5 bil­yong credit line na binuksan ng mga lokal na pamahalaan ng Isabela, Nueva Ecija, at Camarines Sur upang magbigay ng pautang para sa mga magsasaka ng bigas sa kanilang mga lokalidad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy