Una sa Balita

₱6M ari-arian naabo sa Caloocan

0 289

UMABOT sa anim na milyong hala-ga ng ari-arian at nasa 50 kabaha-yan ang natupok ng apoy makaraang sumiklab ang sunog sa DM Compound na ikinasugat ng anim na residente habang nagtutulungang maa-pula ang apoy sa naganap na sunog kahapon nang madaling-araw sa Brgy. 73, Caloocan City.

Batay sa report ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Percival Amba, na 3-storey residential house at 2-storey residential house ng isang alyas ‘Dianne’ kung saan diumano nakitang nagsimula ang sunog alas-2:13 nang madaling-araw.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga tauhan ng BFP ang sanhi ng sunog, kung saan nadamay ang mga kabahayang yari sa kahoy. Umabot sa 100 pamilya ang naapektuhan sa naganap na insidente.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Vimwel Zalora, 24-anyos; Areeya Bas, 21; Joana Ronquillo, 15; Cindy Rose Manalo, 14; Ailine Ronato, 21 at isang kagawad ng BFP na si FO2 Patrick Lenaming, 28.

Umabot sa Task Force Alpha ang naganap na sunog na umabot ng mahigit tatlong oras na pagliyab, idineklara itong fire out bandang alas-5:44 nang madaling-araw.

Samantala, agad namang nagpadala ng tulong ang pamahalaang lokal ng Caloocan City sa mga pamil-yang naapektuhan.

Ayon kay Social Welfare and Development action officer Obet Quizon, agad na nag-utos si Caloocan City Mayor Oca Malapitan na magbigay ng tulong sa mga nabiktima ng sunog, kasabay ng pamamahagi ng pagkain at medical assistance sa mga nasunugan. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy