Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

₱6B agrikultura, imprastraktura wasak sa bagyo

0 254

Pumalo na sa higit ₱6 bilyon ang halagang napinsala ng bagyong Odette sa agrikultura at imprastraktura.

Batay saSa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), “as of Friday,” na pumalo ito sa ₱6,030,055,686.12.

Sa ulat, ang pinsala sa agrikultura sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Central Luzon, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Caraga ay ₱2,030,803,044.17.

Umabot naman sa ₱3,999,252,642.04.Habang ang infrastructure damage sa Mimaropa, Central Luzon, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Caraga.

Itinuturing namang pinakanasalanta ang Mimaropa sa agrikultura, ₱1,008,321,930.27 habang ang Central Visayas ang “most infrastructure losses”, ₱2,155,000,000.

Nauna nang idineklara ang state of calamity sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga dahil sa naging pananalasa ng bagyo noong Disyembre 21.

Leave A Reply

Your email address will not be published.