Una sa Balita

₱60M inilaang pautang sa mga magbababoy

0 257

Naglaan ang Agricultural Credit Policy Council ng P60 milyon para ipautang sa mga magbababoy na apek­tado ng African Swine Fever.

Sabi ni Agriculture Secretary William Dar kahapon, livelihood assistance ito para sa mga hog raiser kung saan ang bawat apektadong magbababoy ay maaaring umutang ng P30,000 nang walang interes at babayaran sa loob ng tatlong taon.

Ang P60 milyon ay hiwalay pa sa P82.5 milyon na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin para sa quarantine sa mga pali­paran at mga daungan.

Ayon kay Dar, hindi pa natutukoy ang pinangga­lingan ng kauna-unahang outbreak ng ASF sa bansa at ang pagpapakain ng mga tira-tira mula sa mga hotel at restaurant sa baboy ang pinagsususpetsahang pinagmulan ng sakit.

Base sa ulat ni Assistant Secretary for Livestock Dr. Enrico Garzon ng Bureau of Animal Industry sa World Organization for Animal Health, noon pang Hulyo 25 tumama ang ASF sa bansa at Agosto 30, 2019 lamang ito nakumpirma.

Ayon sa immediate notification ng Pilipinas sa naturang organisayson,
536 na mga baboy ang nagkasakit ng ASF at namatay at 7,416 ang pinatay at inilibing.

Sa bilang ng BAI, pito ang ASF outbreak na itinala sa San Jose, San Isidro, Macabud, Geronimo, San Rafael, Mascap, Cupang, Rodriguez, at Antipolo sa Rizal at backyard hog raisers ang apektado. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy