Una sa Balita

₱600K carryover sa WTA

0 293

TIYAK na dagsaan ang mga karerista sa Off-Track Betting (OTB) station upang tumaya ng Winner Take All ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Ito’y dahil may carryover na P673,782.91 sa WTA na magsisimula sa Race 1 kung saan may siyam na kabayo ang magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 metro.

Inaasahang papalo sa bentahan sa Condition Race category 19 ang kabayong Lady Of Peace na sasakyan ni apprentice rider RC Suson.

Patok sa mga karera tipster ng programa ang pag-aari ni Edward Diokno na si Lady Of Peace pero ayon sa ibang mga karerista, malaki rin ang tsansang manalo nina Laughing Tiger at Apo.

“Hindi ako magsi-single diyan, para malaki ang tsansa tatlo ang kukunin ko, isasama ko sina Laughing­ Tiger at Apo,” hayag ni Tony Agoncillo, veteran karerista.

Bukod sa tatlong nabanggit na kabayo, ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay sina Marahuyo, Count Me In, Musikera, Charger, Sweetness at Jersey Savings. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More