Una sa Balita

₱6.8M shabu nasamsam sa 2 drug raid, 5 arestado

0 339

LIMANG tulak na high value target ang laglag sa pinagsanib na pu­wersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Zamboanga­ City Philippine Natio­nal Police (PNP) Intelligence branch sa magkasunod na buy-bust ope­ration kung saan aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakum­piska sa Zamboanga City.

Ayon kay Chief Supt. Emmanuel Licup, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 9, unang isinagawa ng pulisya ang buy-bust ope­ration dakong alas-11:30 nang umaga sa Room 146, La Terreza Pension Haus sa Go­vernor Camins, Canelar, Zamboanga City kung saan isang police poseur buyer na kukuha ng shabu sa mga suspek na sina Merlyn Aliasman, 28, Joel Hernando, 31, at Isa Munap, 28, pawang mga high value target pusher ng pulisya.

Matapos magkapalitan ng shabu at siyam na bundle na boodle mo­ney ay inihudyat na ang pagsalakay kung saan nakakumpiska ng aabot sa kalahating kilo ng pinaniniwalaang shabu na may street value na P3.4 milyon na nakalagay sa 11 plastic sachet.

Dakong alas-kuwatro nang hapon naman nang isagawa ang isa pang operasyon kontra iligal na droga sa harapan ng 3J Novelty Product and Accessories store sa kahabaan ng Radja Sulaiman St., Barangay Zone 4, Zamboanga City.
Nadakip sa nasabing buy-bust sina Manjannang Ahadani Umbang, 50, at Jun Jun Balie, 25, mga residente ng Barangay Lamion, Bongao, Tawi-tawi.

Nakumpiska sa mga ito ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu na aabot sa kalahating kilo na may street value din na P3.4 milyon. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy