Una sa Balita

₱6.5B health care fund inarbor ng Kongreso sa DOH

By
0 525

NILINAW ni House com­mittee on appropriations chairman at Camarines Sur Rep. Ro­lando Andaya na walang kinalikot at binago ang liderato ng Kamara sa 2019 natio­nal budget.

Pero inamin nito na pinagpartihan ng Senado at Kamara ang ma­laking bahagi ng P15 bilyong lump sum fund sa national budget na gugugulin para sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

Binanggit ni Andaya na P4.5 bilyon ang napunta sa Kamara habang P2B sa Senado at ang natirang P8.5B ay mapupunta sa Department of Health (DOH).

Inihayag nito na ipi­namahagi ang P4.5B sa mga miyembro ng Kamara para sa kapa­kanan ng kani-kanilang mga constituent.

Kaya aniya ini-itemized ang halaga para detalyado kung kanino napunta at sino ang mga benepisyaryo na makikinabang.
Klinaro ni Andaya na ginawa nila ito sa diwa ng transparency at bilang pagtugon sa kautusan ng Supreme Court (SC) laban sa lump sum appropriations.

“Nothing that the House did which the Senate also did not do,” giit ni Andaya.

Tiniyak din nito na mapipirmahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trilyong national budget para sa 2019 ngayong buwan ng Marso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More