Una sa Balita

₱6.3M cocaine nakarating sa baybayin ng Aurora

By
0 509

NAKARATING na sa baybayin ng Dingalan, Aurora ang bahagi ng mga dose-dosenang bloke ng hinihinalang cocaine na naunang naiulat na natagpuan sa mga karagatan ng Mauban, Quezon, Camarines Norte, Surigao del Norte at Dinagat Island.

Sa ulat ni P/Sr. Ins­pector Sandy Bautista, isang mangingisda na itinago sa alyas Jabbar, residente ng Gabaldon, Nueva Ecija, ang nagsadya sa himpilan ng Gabaldon police Linggo ng ala-una nang hapon at ipinabatid ang narekober nitong bloke ng ‘cocaine’ sa Dingalan Bay.

Sa tulong ng puwersa ng 1st Provincial Mobile Force Company ng NE Provincial Police Office sa ilalim ni P/Supt. Alexander Aurelio ay narekober ang bloke na nakabalot ng plastic at rubber tape.

Agarang nai-turn over ang bloke sa NE police crime laboratory sa Cabanatuan City para sa kaukulang pagsusuri.
Ayon kay P/Sr. Supt. Leon Victor, NE police director, umaabot sa isang kilo at 19 na gramo ang cocaine na nagkakaha­laga ng P6.3 milyon ang street value.

Idinagdag pa ni Rosete na ang boluntar­yong pagsusuko sa pulis­ya ay patunay sa tiwala ng mga mamamayan sa kanilang hanay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy