Una sa Balita

₱5M cocaine nakuha sa dagat ng Camarines Norte

By
0 339

MAHIGIT sa isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P5,438,807 ang nalambat ng mag-amang mangi­ngisda sa karagatan sakop ng Barangay Sula kamakalawa sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte.

Ayon kay Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, base sa isinagawang laboratory exa­mination ng Camarines Norte Police Provincial Office (PPO), positibong cocaine ang nakuha ng mag-amang Alfredo Sr., 61, at Alfredo Vega Jr., matapos na malambat nila ang isang selyadong kahon sa karagatan bandang alas-11:55 bago magtanghali kamakalawa.

Napag-alaman na nangingisda ang mag-ama sa karagatan nang mapansin ang isang kulay itim na kahon na palutang-lutang sa dagat kaya kanila itong kinuha.

Matapos na makitang iligal na droga ang laman ay agad na dinala ng mag-ama ang nakuhang kahon sa kanilang barangay na siyang tumawag sa pulisya upang i-turn over ang kahon.

Hinala ng pulisya na mayroon pang ibang kasama ang nasabing kahon kaya patuloy ang kanilang ginagawang follow up operation at pagsisid sa mga karagatan sa Camarines Norte at Camarines Sur.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy