Una sa Balita

₱500M kada cong siningit ni DPWH Villar

0 1,483

NAGSIMULA nang umambon ang grasya sa mga miyembro ng Kamara matapos na maluklok si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa mainitang labanan ng pagka-Speaker noong Hulyo.

Sa isinagawang pagsumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ng P4.1 trillion National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2020, tiniyak ni House Speaker Cayetano na magiging patas ang distribusyon ng infrastructure allotment project sa bawat congressional district.

“I am assured by both DBM (Department of Budget and Management) and other secretaries that they did their best na maging equitable sa buong bansa,” wika ni Cayetano sa isang press conference.

Isiniwalat ng House Speaker na nakausap niya si Public Works Sec. Mark Villar, at nangako ito na bawat congressman ay makakatanggap ng P400 hanggang P500 milyon na pondo para sa proyekto ng kanilang distrito.

Ang nasabing pondo ay nakasiksik na sa panukalang P534.3 bilyong budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.

“Nu’ng kausap namin si Sec. Mark Villar, sabi niya he will try na walang distrito all around the country na less than P400 million to P500 million ang infrastructure for as long as it falls the national priority,” paglalahad ni Cayetano.

Itinanggi naman ni Cayetano na pork barrel ang mga pondong ito dahil nasa “line item” pro­ject ito ng DPWH at mismong mga district engineer at regional director ang nagrekomenda ng mga proyekto.

“Ang nagsa-submit sa departamento, ‘yung district engineer, at saka ‘yung regional director—ang kausap nila both local government officials at kongresista nila,” saad ni Cayetano. “It’s already in the budget, ang departamento na ang naglalagay.”

Noong nangangampanya si Cayetano para ma­ging House Speaker, isa si Villar sa mga Cabinet member na sumuporta sa kandidatura ng una.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy