Una sa Balita

₱500K ibinigay ni Duterte sa mga biyuda ng napatay na sundalo

By
0 717

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-P500,000 ang mga nabiyudang asawa ng limang sundalo na napatay sa naganap na pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ipinatawag sila kahapon ni Pangulong Duterte sa Davao City kasama sina Labor Sec. Silvestre Bello III, National Housing Authority Manager Jun Escalada, para harapin ang mga nabiyuda.

Galing umano ang pera mula sa Presidential Special Financial Assistance Fund.

Nagbigay din aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng pinansyal na assistance mula P280,000 hanggang P400,000 depende sa rango ng mga sundalo na bukod pa sa buwanang pension na matatanggap ng mga naiwang pamilya.

Sinabi pa ni Lorenzana na sapat na ang ayuda ng pamahalaan para punan ang mga panga­ngailangan ng mga naiwang pamilya kaugnay sa benepisyo ng mga asawa ng sundalo pagdating sa pabahay at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy