Una sa Balita

₱40M shabu, tulak timbog sa Cebu

0 488

Higit sa anim na kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40 milyon at nakasilid sa tra­velling bag ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy-bust operation na ikinasa noong araw ng Pasko sa Bontores St., Brgy. Basak, San Nicolas, Cebu City.

Gamit ang P100,000 boodle money na pinaibabawan ng P1,000, nabitag ng mga operatiba ng Cebu City Police Station 6 at 7 ang suspek na nakilalang si Bejie Bacalla, binata at walang hanapbuhay.

Naging target ng pulisya ang suspek matapos umano itong ituro ng mga nasakoteng drug pusher­ na siyang pinagkukunan nila ng droga.

Matagal din umanong minanmanan ng mga awtoridad ang suspek at nang magpositibo ay agad na ikinasa ang buy-bust ope­ration.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng Cebu City Police kung saan galing at sino ang supplier ng shabu na nasamsam sa suspek. (Ramil Paican)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy