Una sa Balita

₱40M shabu naharang sa NAIA

0 508

Tinatayang aabot sa P40 milyon halaga ng shabu ang tangkang ipuslit papasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ng isang Pilipinang pasahero na nanggaling sa Cambodia kahapon.

Nakilala ang Pinay na si Marie Guillermo Rusol, 28, na dumating lulan ng Cebu Pacific Air flight 5J258 mula sa Siem Reap, Cambodia alas-kuwatro ng madaling-araw.

Nakita ang anim na kilong shabu sa dalang backpack ni Rusol matapos itong padaanin­ sa x-ray scanning machine at tumambad ang pinaghihinalaang shabu.

Nakumpirma sa isinagawang agarang ‘field test’ ang Customs Narcotic agents na ito ay nagpositibo sa shabu at ito ay nakatakdang i-turn over sa PDEA at para ihanda ang kaukulang kaso dahil sa pag­labag nito sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy