Una sa Balita

₱4.5B intel fund ng OP dinipensa

0 214

Maraming gastusin!

Idinipensa ng Malacañang ang P4.5 bilyong alokasyon sa intelligence fund ng Office of the President (OP) sa panukalang 2020 national budget.

Nais ng administrasyong Duterte na madoble ang confidential at intelligence fund sa 2020.

Sa P4.1 trillion 2020 ­national budget, ang nakalaang­ confidential at intelligence expenses ng OP ay tig-P2.25 bilyong o isang bilyong­ piso mas mataas sa P1.25 bil­yong noong 2018 at 2019.

“Dapat naman sa Office of the President (OP), it has to have resources to determine ‘yung mga threats against the state. Kailangan ‘yun and you need money for that,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“Talagang mahirap mag secure sa isang bansa. Kailangan mo talaga ng pera. You need people, you need machines, technology. Maraming pagkakagastusan eh,” dagdag nito.

Hindi rin aniya dapat na mangamba na mabalutan ng korapsiyon ang pondo dahil napakaistrikto ng Pangulo.(Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy