Una sa Balita

₱4.4M smuggled na asukal nasabat sa Manila Port

0 354

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) ang walong container van na may lamang tinatayang P4.4 milyong halaga ng mga puslit na asukal.

Ayon sa BOC, dumating ang nasabing kontrabando sa Manila Port Area noong Agosto 30 mula sa China at naka-consigned sa RZTREC Trading.

Idineklara ang mga kargamento bilang mga steel coil, ngunit natuklasan ng mga custom exa­miner na laman talaga nito ang Korach-conditioned refined sugar sa isang isinagawang inspeksyon noong Nobyembre 13.

Dahil dito, agad na nagpalabas ang BOC-POM ng isang Warrant of Seizure and Detention laban sa mga kargamento dahil sa paglabag sa Customs Moderni­zation and Tariff Act (CMTA). (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy