Una sa Balita

₱3M plantasyon ng marijuana sa Benguet sinunog ng PDEA

By
0 475

SINUNOG ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA) at ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang nasa P3 milyong halaga ng marijuana plantation sa Benguet at Mountain Province noong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, unang nagsagawa ng joint illegal drugs ope­ration ang PRO-Cordillera, PRO1 at ang PDEA sa Kibungan, Benguet na nagresulta sa pagkabunot ng mahigit 12,800 fully grown marijuana plants.

Nadiskubre ang mga iligal na pananim sa Sitio Batangan, Tacadang Kibungan Benguet na nasa tri-boundary ng mga bayan ng Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Samantala, binunot at sinira naman ng mga miyembro ng Mountain Province Provincial Police Office (MPPPO) ang 110 fully grown na mga marijuana plant na nagkakahalaga ng P22,000 sa Barangay Sadsadan, Bauko, Mountain Province.

Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga operatiba sa mga tagong lugar kung saan nakatanim ang mga marijuana sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Mountain Province.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy