Una sa Balita

₱3M marijuana oil nasabat sa Kalinga

0 256

UMABOT sa P3 milyong halaga ng marijuana oil ang nasamsam sa isinagawang anti-illegal drug ope­ration ng pulisya sa Tabuk, Kalinga ayon sa Kalinga Police Provincial Office (KPPO).

Ayon kay KPPO information officer P/Maj. Richard Gadingan, nasa 25 bote na naglalaman ng marijuana oil ang kanilang nakuha noong Sabado sa suspek na nakilalang si Rogelio Paut, 42, ng Barangay Bugnay, Tinglayan na kasama ang dalawang menor de edad na high school student.

Base sa report, sinabi ni Gadingan, kanilang pangunahing target sa anti-drug operation si Paut kung kaya’t maaa­ring ginamit lamang ang dalawang menor de edad sa kanyang iligal na aktibidad.

Nakatakdang ibenta umano ng suspek ang mga nakumpiskang marijuana oil sa mga malala­king lungsod sa bansa kung saan ginagamit umano ito sa pagtanggal ng mga pananakit sa katawan.

Nakumpiska rin mula kay Paut ang isang .45 pistol, hindi pa mabatid na halaga ng buy-bust money at isang motorsiklo.

Nasa kustodiya si Paut ng Tabuk Police Station at kasong comprehensive drug act at illegal possession of firearms ang isinampa laban sa suspek.

Samantala, inilagay na sa pangangalaga ng Tabuk Department of Social Welfare and Deve­lopment ang dalawang menor de edad. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy