Una sa Balita

₱37M allowance ng SAF isinoli; ₱22M nawawala

By
0 1,279

Ibinalik ng dating budget officer ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) ang P37 milyon na umano’y bahagi ng subsistence allowance ng mga SAF troopers na hindi naibigay.

Ito ang kinumpirma ni outgoing PNP chief Director General Ronald­ Dela Rosa hinggil sa nawawalang P59 mil­yong hindi naibigay na allowance ng mga tropa ng SAF mula 2016 hanggang 2017.

Ayon kay Dela Rosa, mismong si Sr. Supt. Andre Dizon ang nagsoli ng P37 milyon subalit ayon sa opisyal patuloy pa rin ang imbestigasyon sa isyu.

Abante Hiring – IT dep

Ayon naman sa kasalukuyang SAF chief na si Director Noli Taliño na hindi pa naman talaga malinaw kung P59 mil­yon ang kabuuang halaga ng subsistence allowance ang hindi na naibigay sa mga SAF trooper.

Matatandaang sinibak na kamakalawa ng PNP ang mga responsable sa nabatid na isyu na sina dating SAF Chief Police Director Benjamin Lusad, na ngyaon ay hepe ng PNP Directorate for Integrated Police Operations sa Southern Luzon.

Damay din sa pagkakasibak sa kanilang tungkulin sina dating PNP-SAF Budget and Fiscal officer Andre Dizon, at SPO2 Maila Bustamante gayundin si SPO1 Jack James Irica.