Una sa Balita

₱340K shabu nasabat sa 3 tulak

0 229

Laglag sa mga kamay ng mga pulis ang tatlong lalaki na umano’y mga drug pusher sa Caloocan City, Linggo nang gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Jamil Gallogo, 29-anyos; Jefferson Calimquim, 35; at Mhosan Falcon, 45.

Ayon sa opisyal, bandang alas-11:30 nang gabi, nang ikasa ng awtoridad ang buy-bust sa kahabaan ng Zabarte Road, Phase 1, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

May nakarating kasing ulat sa awtoridad na lantaran umano ang pagla­lako ng shabu ng mga suspek sa nasabing lugar.

Nagsilbing poseur buyer ang isang pulis at umiskot ng P39,000 halaga ng shabu.

Matapos iaabot ng tatlong drug pusher ang dalawang pirasong plastic medium sachet na may lamang shabu, doon na sila hinuli ng mga pulis.

Nang kapkapan, nakuha pa sa mga ito ang 50 gramo ng shabu na may market value na P340,000.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comphrehensive Dangerous Drugs Act ang mga hinuli at walang piyansang inerekomenda ang piskalya para sa pansamantala nilang paglaya. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy